Let’s Clear Things Out The Unusual Habit

“Dun Ako Sa Pangalawa” -Jec

On December 10, 2009, in Uncategorized, by Allen

The first time I saw her, I never really liked her. Mukha syang maarte at suplada. Akala ko we’ll never get along well. Pero pagkatapos naming magkatabi sa isang class, click kami agad (parang Hi–Ro). Jec is a colleague in the university and one of my most trusted friends. She’s chubby, I’m skinny. We’re totally opposite from each other but that didn’t prevent us from being great friends. Anyway, since Jec is now in Chicago doing God-knows-what, we constantly chat through Facebook. I-sha-share ko nalang tong really good post nya sa Facebook. Nakaka-relate kasi ako. At sana kayo din. :)

Mayroong dalawang klase ng babae: Una, yung laging napapansin. Pangalawa, yung hindi napapansin. Dun ako sa pangalawa. :)

Ang paghahangad na maging sexy at maganda sa pananaw ng iba ay isang katangian ng ibang kababaihan na mahirap baguhin. Pero kadalasan, nakakalimutan nila na sa bawat paglubog ng araw at paglipas ng panahon, hindi naman yun ang aalalahanin ng mga tao. Kumukupas din ito. OO, marahil sa ngayon ay tatanggap sila ng mga papuri at hahangaan ng marami, pero pagkatapos nun, ano na ang kasunod? Hindi ba’t sila’y maibabaon din naman sa limot? Hindi ako ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa, hindi ako hinahabol-habol ng mga kalalakihan, hindi ako binabalingan ng tao pag ako’y nagdaraan at hindi ako kumukuha ng damit sa small sizes at nakakapagsuot ng sleeveless shirts at two-piece bikinis. Ngunit sa lahat ng iyon, ang importante sa akin ngayon ay kung ano ang dala-dala ko sa araw araw. Yun ay ang respeto at pagmamahal ko para sa sarili ko na ngayon ko lamang natutunang ibigay. Wala naman akong kailangan patunayan dahil sa mga taong walang tiwala sa akin, kahit anong gawin ay hindi kailanman magiging sapat sa paningin nila.

Noong nasa Pilipinas ako, kinukutya ako ng marami. Mataba, baboy, pandak, abnormal, at kung anu-ano pang salita ang madalas nilang ibinabato sa akin. At bilang pampalubag loob, sasabihin ko sa sarili ko na okay lang yun at magiging sexy din ako balang araw at hindi na tutuksuhin pa ng iba. Pero pagkatapos non, balik na naman sa dati. Kain dito, lamon don, laklak pa, sige ng sige. Kahit kailan ay hindi ko naramdamang kaya kong makipagsabayan sa iba. Low self-esteem ang tawag ng karamihan. Kulang sa confidence. Kaya araw-araw kailangan kong magsuot ng isang maskarang hindi kayang basahin kung ano ang ikinukubli. Sasabihin kong maganda ko, panalo! Pero yun lang ang mga bagay na gusto kong paniwalaan ng sarili ko. Masakit aminin sa mundo na hindi ko mahal ang sarili ko. Ikinahihiya kong magpaka sosyal at magsuot ng magarang damit at bestida sa kadahilanang matatabunan din naman ako ng iba at hindi babagay ang ganoon sa akin.

Wala akong masamang tinapay na maibabato sa mga naggagandahang kababaihan sa mundo. Sa totoo lang ay kinaiinggitan ko sila at hinahangaan. Meron silang mga katangian na wala sa akin, pero gayunpaman, meron din naman akong kayang gawin na kailanma’y hindi nila mapapantayan. Masyado kong nalugmok. Masyado kong dinamdam ang mga sandaling walang ibang sinasabi ang ibang tao kundi kung ano ang pangit at wala sa akin. Pero naisip ko na hindi lang naman kaseksihan at kagandahan ang magiging pamantayan ng mundo sa kung ano ang kalalabasan ng buhay mo diba? Sana ay itigil na ng ilan ang paggamit sa mga katangiang ito bilang basehan sa pagkatao ng isang tao dahil hindi lang matatapos sa salitang maganda at sexy ang kakayanan nila.

Sana imulat natin ang mga mata natin sa magagandang paraan. Pinagkalooban tayo ng mga paningin upang makita hindi lamang ang mga pangit na bagay, kundi yung mga kaaya-aya din naman. Bawat tao ay may kapintasan, may kakulangan. Walang perpekto. Walang nakakaangat sa iba (dapat). Kaya kung ikaw sa tingin mo nasa iyo ng lahat, at ang ibang tao ay napag-iiwanan mo na, mag-isip ka ulit. Paulit-ulit hanggang sa maisip mong mali ka.

Mataba man ako, hindi man kutis porselana ang balat ko at walang kayang ipagmalaki kundi kung ano ang nilalaman ng isip ko at ng malaki kong puso, masaya ako dahil natutunan kong pahalagahan kung ano ako at natatanggap ko na unit-unti kung ano ang meron ako.
-Jec Tanhueco, Chicago, IL

 

 1_908687942l

 

 

 

3 Comments

  • At 2009.12.11 01:36, chyng said:

    Jec, you are beautiful. And you know that. Ü

    but may I just quote Paulo Coelho “We may not all believe in God but ALL OF US wants to get thin!” haha

    • At 2009.12.11 11:45, redlan said:

      Talagang nagki-click ang opposite. Kasi may friend rin ako na opposite kami sa lahat ng bagay.

      • At 2009.12.11 13:19, Nashyboy said:

        clap clap clap

        very inspring! I love the way she expressed herself on this write up

        send my regards to her!

        for now Check out my first ever PODCAST! Check out my first ever PODCAST! http://lovenashyboy.blogspot.com/2009/12/test-podcast-christmas-gift-list-listen.html

        (Required)
        (Required, will not be published)