Then he said, I was just being modest and told me everybody would love to be caucasian. Then we bombarded each other with some ridiculous comments that led to an argument and ended up almost shouting at each other. Ha-ha! But it was a friendly debate. (I’m not fighting again, mom!)
So which do we really prefer?
In this case, people who usually want to be tan are those who have fair skin. While those who use whitening soap are those with dark complexion. That’s just the way it is, I guess. That we admire things we don’t have. Because if we admire the things that’s on us, chances are, you’d look very vain. We wouldn’t want that, would we? Ha-ha.
So the problem between which you prefer to be, the caucasian or the asian really depends with whom you ask. As for me, I honestly wouldn’t mind being caucasian. What about you?
I think you’d look more gorgeous if you’re black. What d’you think? XD
————————————————————–
P.S. We accompanied my brother’s girlfriend to the hospital yesterday because her tummy ached due to cholecystitis. It was my first time to enter an Emergency Room. Ha-ha! Cool!
Oh look! It rained after like a hundred years!
But I’m relieved. I hate gloomy days. I just love it when it’s windy. The sun is still my thing. But anyway, I just made this post to keep you all updated about me (especially my mom) because I am a bit busy about some sudden changes at home.
This morning, we sent Uncle Richard at the airport. He’s leaving for Toronto today. Our family is starting to move there. Uncle Richard is the last of the six siblings who haven’t moved to Canada and today, they are all going to be reunited. I guess it’s starting to be a family trend, like the great Filipino dream; Leave the country for good. Ha-ha!
Oh and by the way, it’s my Dad’s 45th Birthday. Me and my brother are going to celebrate. Weeee!
I was cleaning up my hard drive when I bumped into this old file and I thought it would be a nice post for my blog. I’m sorry if there’s no English translation. A 10-page article like this is totally hard to translate. Ha-ha!
Paano Magsulat ang ‘Di Marunong Magsulat
Upang makapagsulat, hindi sapat ang maging marunong lang sa mga letra. Ang kailangan dito, utak, talento at kaunting kakapalan ng mukha. Hindi lamang ito tungkol sa mga “abc” at “123” kundi tungkol din sa mensahe at impluwensiya.
Nang isulat ni Harriet Beecher Stowe and Uncle Tom’s Cabin, sumiklab ang giyera sa Amerika. Nang isulat ni Jose Rizal ang Noli Me Tangere, pinatay siya. Nang isulat ni JK Rowling ang Harry Potter Series, nagkaroon ng giyera sa mga bookstores. Hindi nito sinasabing masama ang magsulat at maging magaling sa larangan ng literatura. Ibig sabihin nito, ganoon kamaimpluwensiya ang pagsusulat na nagbabago sa buhay ng mga tao sa mundo.
Kung ang lahat ng tao ay magsusulat ng tula, nobela, sanaysay at chismis, babaha ng impormasyon, lalago ang pag-unawa ng mga tao at lalawak ang kanilang kaalaman. Kasabay din nito ang pagkaubos ng papel at pagtaas ng demand ng typewriter at computers sa mundo.
Ngunit kung ikaw ay mangmang sa pagsusulat at gusto mong magsulat, paano ka nga ba makakapagsulat?
Nang mahilig akong magbasa ng mga aklat, naisip kong gayahin ang mga may-akda nito. Gusto ko rin silang pantayan kaya naman nang makahawak ako ng bolpen at papel, nagsulat ako ng diary. Pero ang diary ko ay tumagal lamang ng tatlong araw. Naisip ko tuloy na mahirap palang magustuhan kahit ang sarili mong gawa.
Nagbasa ulit ako at naisip kong gumaya ulit. Sinubukan ko namang magsulat ng maikling kuwento tungkol sa isang lasing na sinalba ang prinsesa. Hanggang ngayon, hindi ko parin masikmura ang nilalaman ng kuwento.
Pagkatapos ng maikling kuwento, nahumaling naman ako sa nobela. Sinubukan kong magsulat ng isang nobelang may tatlong kabanata na hanggang sampung pahina lamang ang isa at ini-print lamang sa computer shop. Siyempre, ako na din ang nag-bookbind. Ipinabasa ko ito sa aking mga kaklase at laking-gulat ko nang marami sa kanila ang nagpahayag ng saloobin sa aking kuwento.
“Bakit natatanggal ‘yung page 2?”
“’Di ko maintindihan ‘yung Chapter 1”
“Sino ‘yung pumatay sa bida?”
“Nasaan ‘yung katapusan ng Part 3?”
Ayos. Kahit papano may nagbasa ‘di ba? Pero kahit ganito ang kinalabasan, nagpatuloy ako sa aking pantasya at naglalakbay sa mundo ng literatura.
Naisip ko tuloy, ako na yata ang manunulat na hindi marunong magsulat. Pero paano nga ba magsulat ang hindi marunong magsulat?
Sa mundo ng mga frustrated writers, walang pamantayan sa kung papaano sisikat ang obra mo. Kailangan lang ay ang kaunting angas sa katawan at matinding imahinasyon. Kadalasan kasi sa mga frustrated writers, ini-imagine na lang nila na naililimbag ang mga isinulat nila.
Malalaman mong ikaw ay isang frustrated writer kung marami kang mga papel na nakakalat sa iyong kuwarto. Lahat ito, may mga pamagat at kakaunting pangungusap na sa bandang huli ay kinatatamaran mo nang ituloy. Isang katangian din ng isang frustrated writer ay ang pagiging hayok sa karangalan. Halimbawa na lamang nito ay kung may mag-iwan ng kumento sa iyong blog o may mag-link nito sa ibang blog. Dito nagsisimulang ma-encourage ang mga frustrated writers at magsusulat pa nang magsusulat ng mga walang kwentang bagay.
Sa bandang huli, maiisip na rin ng frustrated writer na walang pinatutunguhan ang kanyang pagpapakahirap kaya susubukan niyang ilimbag ang kanyang isinulat gamit ang sarili niyang pera. Kung masilaw man ang palimbagan ng malaki niyang budget, maibebenta ito sa mga bookstores at aamagin din pagdating ng panahon.
Dahil dito, malulugi ang palimbagan o ang may-akda at ipamimigay na lamang ito sa mga kaibigan na kunyari namang magugustuhan din nila.
Ngunit hindi ibig sabihin na kung nasa iyo ang mga sintomas ng pagiging isang frustrated writer ay wala ka nang pag-asang maging bihasa sa larangan ng pagsusulat.
Ang unang hakbang tungo sa pagiging ganap na manunulat ay ang pagsali sa mga literature-oriented organizations sa inyong paaralan. Sa pagpasok mo dito, bawal kang mahiya dahil isang katangian ng isang propesyonal na manunulat ay ang umaapaw na self-confidence. Kung sakali mang mapadpad ka sa opisina ng inyong school publication, siguraduhing pursigido ka sapagkat ang bawat manunulat ay sanay sa mga pangsasabon ng kanilang mga editor. Hindi maganda sa isang baguhang manunulat na konting bulyaw lamang ay mag-reresign na.
Kung ayaw mo naman, maaari mong gamitin ang pinakamadali at pinakapopular na paraan ng pagpapasikat ng iyong likha. Ang internet. Sa mga Blog kadalasan unang nagsisimula ang mga manunulat sa panahon ngayon. Kailangan lamang ay mamili ng isang maganda at nakakatawag-pansin na paksa. Maliban sa sex, ang ibang mga popular na paksa ay ang showbiz, negosyo, anime, chismis at balita. Kailangan din, maipakalat mo na nag-umpisa ka nang mag-Blogging. Mag-comment ka lang nang mag-comment sa iyong mga kaibigan sa Friendster na ikaw ay may Blog na.
Kapag palagay mo naman ay nasa kalagitnaan ka na ng pagiging isang frustrated writer at talented writer, maaari kang sumali sa mga paligsahan sa pagsulat. Isa na dito ang pagsali sa mga Campus Journalism workshops na isa ring daan upang magkaroon ka ng extra-curricular points. Maaari ka ring sumali sa mga malalaking paligsahan katulad ng Palanca Awards kung saan ang mga kalaban mo’y mga nobelista, propesor, dekano at mga pangalang kadalasan mo lamang na nakikita sa mga aklat sa bookstore.
Lahat marahil ng mga propesyonal na manunulat ay nagsimula sa pagiging isang frustrated writer.
Sa una, nasa kanila ang lahat ng katangian ng pagiging isang frustrated writer ngunit sa pagdaan ng panahon, unti-unti itong naglalaho at napapalitan ng talento at galing.
Sa pamamagitan ng pagsali sa mga paligsahan, paggawa ng Blog o pagsali sa mga school publications, nalilinang ang kaisipan ng isang manunulat na kailangan ding sabayan ng palagiang pagbabasa sapagkat sa paraang ito, kahit bagsak ka sa English subject mo, makakaya mong pantayan ang mga empleyado ng Call Center.
Hindi rin kailangan na nagtapos ka ng kursong may kinalaman sa literatura sa kolehiyo upang maituring na isang magaling manunulat.
Si Lloyd Luna, CEO at founder ng Lloyd Luna Communications ay nagtapos ng kursong Electronics and Communications Engineering, malayo sa kursong dapat sana ay may kinalaman sa literatura upang mailikha niya ang kanyang mga libro. Dahil dito, masasabing ang talento sa pagsulat ay ‘di lamang dahil sa pag-aaral nito ngunit sa kagustuhang maging isang manunulat.
Paano nga ba natututo ang mga manunulat na hindi nakapag-aral ng pagsusulat?
Isa sa pinakamalaking impluwensiya sa paghubog sa isang magaling na manunulat ay ang pagbabasa ng aklat. Sa una, masasabing walang thrill ang pagbabasa ng libro. Sabi nga ng iba, nerdy ka kapag mahilig kang magbasa ng libro sapagkat ito ay boring. At dahil sa pagka-boring nito, kalimitan ay nauulit natin ng pagbasa ang mga pangungusap na nabasa na. At dahil sa pagka-boring nito, kalimitan ay nauulit natin ng pagbasa ang mga pangungusap na nabasa na. Dahil din sa pagbabasa ng aklat, nalilinang ang kaalaman sa iba’t-ibang lenggwahe at mga impormasyon sa mundo. Halimbawa, ang kwento ng The Theif Lord na isinulat ni Cornelia Funke ay nangyari sa lungsod ng Venice sa Italya. Sa nobelang ito, maraming mga kilalang pook sa lungsod ang naibahagi at nailarawan ng may-akda. Kaya naman kung ikaw ay mapunta sa Venice, kahit papano ay hindi ka magiging mangmang sapagkat nabasa mo ang The Theif Lord.
Kung ikaw naman ay nakabasa ng Harry Potter Series ni JK Rowling at nagyaya ang iyong nililigawan na manood ng pelikula nito, madali mong maiintindihan ang kwento at makakapagpalitan ng reaksyon sa iyong nililigawan. Hindi magtatagal, ang nililigawan mo ay mamamangha sa’yo at sasagutin ka niya. Natuto ka na, nagkasyota ka pa.
Isa ring malaking impluwensiya sa manunulat ay ang kapaligiran. Kapag tahimik at walang problema sa komunidad, walang maisusulat kundi mga tula tungkol sa mga bulaklak, magagandang babae at walang katapusang paksa ng pag-ibig. Ngunit kapag ang isang manunulat ay nabibilang sa lipunang may balanse sa maganda at ‘di kagandahang aspeto, maraming maibubulalas ang manunulat. Maraming ideya ang maaaring mabuo sa kanyang isipan at lalong lalago ang kalidad ng literatura sa pamayanan.
Sa madaling salita, kapag ang isang manunulat ay nababagabag, nagkakaroon siya ng pagnanais na ipahayag ang kanyang sarili sa halip na uminon gabi-gabi, maglaslas at mang-hostage ng kapitbahay.
Nakatutulong din ang kasamahan o pamilya sa paglilinang ng isang magaling na manunulat. Hindi kasi maikakailang ang pagiging magaling sa isang bagay ay nagsisimula sa pagkahilig nito nang siya’y bata pa. Kaya naman kung ang isang bata ay may mabait at masuportang pamilya, maaari siyang magtagumpay.
Isang halimbawa nito ang pagpupuri sa mga ginagawa ng kanilang mga anak. Kapag ang isang batang nag-drawing ng punong hugis kamao, hindi dapat sabihing ito ay pangit sapagkat maaaring matanim sa isip ng bata na pangit ang kanyang gawa at kailanman ay hindi na muling guguhit pa.
Kaya kapag ang anak mo ay nag-iwan ng sulat na nagsasabing makikikain lamang siya sa bahay ng kaibigan, huwag mo siyang pagalitan kung ganito ang pagkakasulat niya; “Father, I ate my classmate. Tell mother don’t cook me anymore,” tandaan mo, kapag pinagalitan mo ito, kailanman ay hindi na siya magsusulat.
Maituturing din na malakas na istratehiya sa malikhaing pagsusulat ang paggamit ng istilo. Dahil dito, madaling nakikila ng mambabasa ang isang manunulat at madaling napapaganda ng manunulat ang kanyang gawa. Maraming istilo ang ginagamit sa pagsusulat. Mayroong iba na gumagamit ng footnote sa nobela na animo’y research paper na, mayroong ginagawang bida ang taong masama ang ugali at mayroon namang isini-censor ang mga salitang hindi kaakit-akit sa panlasa ng mga mambabasa ngunit kailangang isama sa dayalogo. Isa na rito ang paggamit ng asterisk na inihahalili sa mga letra sa salitang “g*go” at “p*ta”. Sa paraang ito, maipapanatili ang pagiging konserbatibo ng obra at maiiwasan ang pananabon ng mga w*lang-h*ya, t*#ga, l!nt%k, p$tang-in#%, &%$%^, *&@!%$ at &^&^$#@$ng mga editor.
Pagkatapos mong malaman at mapansing mahirap ang maging manunulat, marahil maiisip mong kalimutan na lamang ang magsulat pa. Sabagay, aanhin mo nga naman ang bolpen at papel kung may kikitain at mabubuhay ka rin naman sa pangangalkal ng basura at pagiging kilalang magbobote sa barangay.
Ngunit sa isang banda, maiisip mong mabubuhay mo ang iyong mga anak sa trabahong iyon ngunit lalaki silang payat at galisin. Sikat ka sa barangay ngunit bilang isang magbobote at basurero lamang.
Hindi ka na mag-aaral sapagkat maiisip mong aksaya sa oras at pera ang pagpunta sa eskwelahan ngunit sa pagiging matagumpay na basurero sa kalye at sikat na magbobote, maiisip mong kayamanan na ang makatapos ng pag-aaral at isang tagumpay ang pagkakaroon mo ng magandang propesyon. Para sa isang manunulat, ang pagsusulat ay hindi kailanman itinuturing na trabaho kundi bokasyon at propesyon.
Para sa isang manunulat, ang kanyang pinag-aralan ang tangi niyang panlaban sa mga mukhang-perang mga manlilimbag, mapiling mambabasa at masusungit na mga editor.
Mahirap ang maging manunulat ngunit kung pipilitin at sasamahan ng pagiging bukas sa mga bagong pamamaraan, kahit ang pinakamatandang manunulat ay maaari nang magsulat tungkol sa kung bakit dumadami ang mga “emo” sa bansa.
Walang dahilan upang sabihin ng tao na ang pagsusulat ay isang pag-aaksaya sa oras at tinta sapagkat dahil sa literatura, napanatiling mayaman ang kultura.
Sa isang baguhang manunulat na ngayo’y malayo ang itinakbo ng imahinasyon, ang pagsusulat ay isang simpleng kumpisalan.
Kung sakali mang simulan mo ngayon ang pagsusulat ng iyong mga saloobin, marahil ay mararamdaman mo rin ang mga sintomas ng pagiging isang frustrated writer at matutunang magsulat sa paraan ng mga hindi marunong magsulat. Ngunit tandaan mong sa pagsusulat mo, ikaw ay natututo. At sa bawat bagay na natututunan mo, lumalawak ang iyong kaalaman at nabubuksan ang iyong isipan tungkol sa mga bagay na hindi mo pa maintindihan.
Sa bandang huli, sa paglalakbay mo bilang isang baguhang manunulat, darating ang panahong makakaya mong makilala ng iba o manalo kahit pa sa Palanca.
Kung hindi man, alam mong may isang bagay sa loob mo na pumipilit sa’yong ituloy ang pag-iipon ng papel at tinta sapagkat nagawa mo nang makipagsabayan at iwan ang pagiging isang frustrated writer. Darating ang panahon na ikaw ay papanaw din at kung saka-sakaling ikaw at ang obra mo’y makilala at magtagumpay, masasabi mong kahit papaano ay may iniwan ka sa iyong mga apo at sa mga apo ng iyong mga apo na isang pamanang kailanman ay mahirap mawala. Sa pagdaan ng panahon mo, magpapatuloy ang iyong obra at dadalhin nito ang iyong pangalan na tatatak sa isip ng mga susunod na henerasyon.
Sa bawat obra mo namang hindi mananalo o hindi matatanggap, isipin mong may iba pang maaaring paglagyan nito dahil ang bawat obra ay katas ng iyong isip bilang isang simpleng manunulat.
So what’s the expose about, anyway?
Everyday, I ride the jeepney to school. It is, by far, the cheapest mode of public transport in the country. The Pedicab (rickshaw) is 40% more expensive than the jeepney’s minimum fare. Just when I’m late can I take the train because I am just 2 stations away from my school.
So there it is, every morning, I get to experience the heat of the jeepney and the noise and assorted smell of the lovely filipinos. But aside from passengers, the jeepney also accomodate beggars which are well-known for their very talented and brilliant staging of asking for alms.
The most common beggar act on the jeepney probably is what I call the “Crawl of Desperation”. In this stunt, beggars (which are commonly done by kids younger than 15) crawl on the floor of the jeepney while wiping the shoes of the passengers with a very dirty rag. After everyone had their shoes “wiped and cleaned”, the beggar then asks for money. Don’t even bother to give them food, they don’t need that. They need cash!
Another one, which I had just discovered lately is what I call the “Dear Friend” stunt. Beggars give out envelopes asking for food or money so that “they could get back home to the province” blah blah blah. Through this, passengers are encouraged to give bills rather than coins. Ha-ha! But don’t get fooled by that one.
The most talented stunt that I have ever discovered is the “Talent Showcase” where beggars bring home-made drums and produce a very weird beat. After that, they ask for money.
But you can innovate, actually. You can mix everything up and you could end up earning more than the jeepney driver. Ha-ha!
Or another one, which I call the “Jackpot”. This is also one of the most common jeepney situations where someone would just stick out a knife on your side and say,
“Holdap to! Akin na cellphone mo!” (This is a hold-up! Give me your cellphone!)
Jackpot!



